Friday, September 07, 2012

Jennylyn, maghuhubad sa rampahan?

Ni RUEL MENDOZA

source

Mambubulaga raw si Jennylyn Mercado sa kanyang unang pagrampa sa Bench Universe ngayong September.

Isa nga si Jennylyn sa bagong endorsers nito at nagsabi na nga siya na magugulat ang mga makakapanood sa kanya sa mismong show dahil isang daring at sexy na outfit ang ipapasuot sa kanya.

“’Yun ay kung may matitira pang tela na ipapasuot sa akin! Ha! Ha! Ha! Ha!” malakas na tawa ni Jennylyn, na parang sinasabi na handa siyang rumampa nang hubad.

“It will be a big surprise. Kahit ako, hinihintay ko ang hitsura ng isusuot ko. Wala pa akong clue pero sabi nila sa akin, super sexy and daring daw.”

Kaya alaga nga ni Jennylyn ang kanyang katawan. Panay ang workout niya sa pamamagitan ng biking, running at ang kanyang martial arts classes. Kaya nga marami ang naiinggit sa “hot mama” ­figure ni Jennylyn.

“Tiyaga lang at lakas ng loob! Ha! Ha! Ha! Ha!” natatawang sabi pa niya ulit.

“Kung hindi ko alagaan ang sarili ko, siguro los­yang na ang hitsura ko ngayon. Dahil sa ginawa kong pag-aalaga sa sarili ko kaya marami akong trabaho ngayon.”

Bukod nga sa kanyang TV shows na HOT TV, ­Inside Protégé at Hindi Ka Na Mag-iisa, may tina­tapos din siyang pelikula na The Bride and The Lover para sa Regal Entertainment.

Sa balitang nabuntis na raw ng ama ng kanyang anak na si Patrick Garcia ang kasalukuyang girlfriend nito, ang sey lang ni Jen ay buhay na raw iyon ni ­Patrick at hindi siya nakikialam na rito. Masaya na kasi siya sa relasyon nila ni Luis Manzano.

“Matagal na akong naka-move on and I am happy with my relationship now. May anak kami ni Pat at ‘yun na lang ang connection ko with him. Ituloy lang niya ang pagsuporta kay AJ (Alex Jazz) at wala ka­ming magiging problema,” pagtatapos pa ni Jennylyn.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home