Tuesday, September 25, 2012

Jennylyn Mercado denies being the third party in Paolo Contis-Lian Paz separation

Joyce Jimenez
Wednesday, September 19, 2012 @ 02:20PM


source


Natutuwa si Jennylyn Mercado sa nakikitang improvement sa natitirang siyam na Protégé contenders.

Malaki na raw ang ipinagbago sa performances ng mga natitirang contenders sa artista search ng GMA-7.

"Kasi talagang every day mayro'n silang iba't ibang workshop, may iba-ibang schedule.

"Mayro'n silang acting workshop, may dance... Recently nag-hosting sila, hosting workshop sila, tapos may singing, ang dami!

"Talagang dine-develop sila nang sobra-sobra. Ngayon, ang laki na ng developments ng mga contestants."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press si Jennylyn sa taping ng afternoon soap niyang Hindi Ka Na Mag-iisa kahapon, Setyembre 18, sa Quezon City.


COMPARISON WITH OTHER SHOWS. Maraming talent search programs ang umeere ngayon sa iba't ibang networks.

Kaya naman hindi maiwasan na maikumpara ang Protégé sa mga shows tulad ng Artista Academy ng TV5 at X Factor Philippines ng ABS-CBN.

Gayunman, sa opinyon ni Jen, hindi dapat ikumpara ang hinu-host niyang show sa mga programa ng ibang network.

Aniya, "Unang-una, nagsimula naman talaga yung Protégé na parang singing competition.

"Pero ang concept niya, nakatira sila sa isang bahay, pero singing competition siya.

"This time, ginawa na nilang parang artista search, na parang naka-plot… ang plot niya parang StarStruck, pero nakatira na sila sa isang bahay.

"So, iba naman siya, iba naman siya sa ibang talent search show."

Ang StarStruck ang dating reality-based artista search ng GMA-7 kung saan nanalo si Jennylyn bilang kauna-unahang Ultimate Female Survivor.


PAKIKISAMA.
Kung si Jen ang tatanungin, ang "pakikisama" ang isang ugali na hindi dapat mawala sa Protégé contestants.

Iyon daw ang isang bagay na "natutunan" niya sa ilang taon na pagtatrabaho sa showbiz.

"Kasi yung industriya na 'to, napag-aralan ko, na 'yan talaga kailangan.

"Kasi noon, tahimik lang ako, so nami-misinterpret nila.

"Hindi ko naman sinasabi na kailangan nilang pilitin ang sarili nila, pero kailangan nilang pag-aralan 'yon, kung ano yung pinasok nila na mundo.


"Kasi yun 'yon, e, yung reality ng showbiz na kailangan talaga marunong ka makisama."


INTRIGUES. Kung mayroon man isang pinakamahirap sa showbiz, ani Jen, ito ay ang intriga.

Mahirap daw para sa mga artistang tulad niya ang maintriga, lalo na kung walang basehan at walang katotohanan.

Aniya, "Kapag kasi involved 'yong family mo, 'yon ang pinakamahirap talaga.

"Kasi karamihan sa mga gano’n, lalo na yung mga naninira talaga, hindi muna nila inaalam talaga kung ano ba talaga'ng nangyayari.

"Parang nabubuhay na lang sila na naririnig lang, hindi nila nakikita or hindi nila napapatunayan.

"Parang ang hirap lang."


PAOLO-LIAN SEPARATION. Napag-usapan na rin lang ang intriga, hindi na naiwasang tanungin si Jennylyn tungkol sa paghihiwalay nina Paolo Contis at Lian Paz.

Matatandaan na noong Setyembre 13, lumabas ang artikulo dito sa PEP tungkol sa pag-amin ni Lian na hiwalay na sila ni Paolo.

Ngunit mariing itinanggi ni Lian na third party ang sanhi ng kanilang paghihiwalay ng aktor, na ngayon ay nasa Amerika para sa U.S. episode ng game show na Manny Many Prizes.

(CLICK HERE for related article.)

Pero sa ibang babasahin ay isinasangkot ang pangalan ni Jennylyn sa paghihiwalay nina Paolo at Lian. Diumano, siya ang third party sa hiwalayan.

Natawa lang si Jen sa balitang ito.

Aniya, inaanak ni Paolo ang anak niya kay Patrick Garcia na si Alex Jazz o AJ.

"Since Futbolilits, hindi ko pa 'to nakikita,” banggit ng Kapuso actress tungkol kay Paolo.

Ang Futbolilits ang show na pingsamahan nina Jennylyn at Paolo noong 2011.

"Tinext ko nga siya, sabi ko, 'Pao, ano 'to? Kaloka naman, ang saya-saya ko na, bakit naman? At saka may asawa ka na! 'Kaloka naman.'

"Sabi niya, 'Ha? Ano ba nangyayari diyan?’

"Sabi ko, ‘Hindi mo alam? Umuwi ka na dito!’ sabi ko sa kanya.

"Sabi ko, ‘Umuwi ka na dito at linawin mong lahat ‘yan.’”

Pagbabahagi pa ni Jennylyn, ang nobyo niyang si Luis Manzano pa mismo ang unang nagparating ng balitang ito sa kanya.

Kaya naman daw malabo na maging sanhi pa ito ng hindi nila pagkakaunawaan. Bago pa man daw kasi lumabas ang mga balitang ito’y napag-usapan na nila ito ni Luis.

Ang masasabi na lang daw ni Jen tungkol sa mga ganitong isyu na pinupukol sa kanya, “Kaloka!” sabay tawa nito.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home