Monday, September 10, 2012

Luis, gustong pakasalan si Jennylyn

Ni Jimi C. Escala

source

MGA taong very close kay Luis Manzano ang nagkuwento sa amin na malamang na mauwi sa altar ang relasyon nila ni Jennylyn Mercado.


Si Luis mismo ang nagbanggit sa kanila na nagbabalak na siyang pakasalan si Jennylyn sa susunod na taon.

Kaya raw ganoon na lang ang pagsusumikap niya, doble-doble nang kayod ngayon, dahil pinaghandaan na ng aktor ang kasal nila ni Jen.

Pero ayaw kumpirmahin ng aming source ang balitang nakarating sa amin na may petsa nang napili sina Jen at Luis para sa sinasabing pagpapakasal nila (bago matapos ang taong 2013 o early 2014).

Halos araw-araw ay magkasama sina Luis at Jen. Kahit sa mga taping at TV show ni Jen ay hatid-sundo siya ni Luis. Kung wala namang trabaho si Jen ay siya naman ang pumapasyal sa tapings ni Luis.

Samantala, ayaw magkomento ni Jen tungkol sa diumano’y nalalapit na pagkakaroon ng bagong kapatid ni Jazz. Napapabalita kasing nakabuntis na naman si Patrick Garcia, pero dedma lang si Jen.

Kung ano man daw ang isyu tungkol sa ama ng kanyang anak ay wala na siyang pakialam.

Iniintriga rin si Jen na nagseselos daw siya sa babaeng nabuntis diumano ni Patrick.

“May Luis Manzano na ako, kaya please, huwag na akong idamay sa isyu nila,“ sey pa ni Jennylyn.

Next time, kukulitin na namin si Jennylyn tungkol sa balak nilang pagpapakasal ni Luis. Kukuha lang kami ng buwelo. Me gano’n?!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home