Friday, September 28, 2012

Luis Manzano denies relationship with Jennylyn Mercado is on the rocks; thanks Paolo Contis for clearing Jennylyn's name

Rey Pumaloy
Friday, September 28, 2012 @ 07:49AM

source

Pinabulaanan ni Luis Manzano ang isyung nagkakalabuan daw sila ng kasintahan niyang si Jennylyn Mercado dahil sa pagkakasangkot ng Kapuso actress-TV host sa hiwalayang Paolo Contis at Liaz Paz.

Pinatunayan din ni Luis na nananatiling matatag ang relasyon nila ni Jennylyn.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Luis sa presscon ng pelikulang This Guy’s In Love With You Mare kagabi, September 27, sa Dolphy Theater ng ABS CBN.

Ayon sa Kapamilya TV host-actor, nagulat siya sa lumabas na mga balita tungkol pagkakalabuan diumano nila ni Jennylyn.

“Oo… actually, mas nagulat pa si Jen. Mas nagulat siya sa balita.

“So, kumbaga, for me, you know, some things were blown out of proportion lang.

“Nagsalita ako, nagsalita na si Jen, nagsalita na rin si Paolo. So, wala… wala talaga.

“And mas nakakagulat talaga na apparently, nagkakalabuan kami.”


THE RUMOR. Hindi ba siya nagkaroon ng pagdududa sa mga lumabas na reports tungkol kay Jennylyn at Paolo?

“Hindi,” mabilis na tugon ni Luis.

“Lahat ng lumabas nga… the only truth na nakita ko was, yes, tinawagan ko nga.

“Lumabas yun, e. Tinawagan ko talaga si Lian.

“Siyempre, pag lumalabas na kuwento, gusto kong marinig rin naman. Hindi yung side ko lang.

“I have to hear all the sides of the story as much as possible.

“So, para sa akin, at the end of the day, the fact that we’re still together… in fact, baka magkita pa kami after nito [presscon],” sabi ni Luis na ang tinutukoy ay si Jennylyn.

Ano ang pinag-usapan nila ni Lian nang tinawagan niya ito?

“Huwag na nating idetalye dahil, siyempre, si Lian is going through something… especially may mga anak sila. So, huwag na nating i-elaborate.

“Pero the fact na Jen and I are still okay, ibig sabihin, yun na yun.

“Some things where blown out of proportion.”

Paano ba na-involve si Jennylyn sa isyu kay Paolo at sa sinasabing pakikipaghiwalay ng Kapuso actor kay Lian?

Nakangiting sabi ni Luis, “You know, kahit si Jen, yun rin ang gusto niyang malaman.

“Ang alam ko lang, nagsama sila sa Futbolilits, yun na lang yun.

“Dumadalaw pa ako sa set nila kung saan nakakausap ko pa…"


NO INVESTIGATION. Totoo bang tinawagan niya ang kanyang manager na si June Rufino upang mag-imbestiga sa kumalat na intriga kina Jennylyn at Paolo?

Mariin itong itinanggi ni Luis.

Aniya, “Hindi. Actually, nalaman ko lang… kumbaga, nung may nagsabi sa akin, medyo may narinig na ako.

“Si Tita June ang nagsabi sa akin, pero never siyang nag-investigate. Kumbaga, wala.

“Once she told me, dun na ako nagkusa na gumawa rin ng paraan para malaman yung mga anggulo ng istorya.”

Ano naman ang naging reaksiyon ng mommy niya na si Batangas Governor Vilma Santos sa balita tungkol sa kasintahan niya?

“Wala, kumbaga, sinabi lang niya, ‘Anak…’ She was laughing about it kasi kilala rin niya si Jen, e.”

Nagpaliwanag ba si Jen sa kanya tungkol sa isyu sa kanila ni Paolo?

“Alam mo, nung lumabas pa lang ‘yan dati, I think may sundot na ‘yang dati na issue, e. Hindi na ako naniwala.

“Ako yung nagsabi kay Jen na it was more like… wala talaga, e.

“Kumbaga, hindi ko na hiningian ng paliwanag. Ganun ako ka-kampante sa aspetong yun.”

Ibig sabihin, hindi talaga nakaapekto sa relasyon nila ang isyung ito?

“Not a single day,” pagpapatunay ni Luis.

Dagdag niya, “Kaya nga nagulat ako na may on the rocks na raw…”


THE PRESSCON.
Pero ano yung issue na ang alam daw ni Luis ay pupunta si Jennylyn sa presscon ng Belo Medical Group noong September 25, pero hindi sumipot ang actress-TV host at pinag-awayan daw nila ito?

“Wala akong alam doon,” naguguluhang sagot ni Luis.

Pero biglang nanlaki ang mata ng TV host-actor na parang may naalala.

“A… tumawag sa akin si Tita June. Sabi niya, parang, ‘Anak, is everything okay?’

“Kasi sabi niya, may presscon raw na dapat dadaluhan si Jennylyn.

“That exact day, naospital si Jen. Kung na-follow yung Twitter niya, nag-post pa siya ng ‘sick.’

“Uhm, even up to now, may sakit siya. That exact day, nasa ospital siya nun.”

Para malinawan sa pagkakasunud-sunod ng pangyayari kay Jen at sa hindi nito pagsipot sa Belo presscon para sa kanilang mga bagong endorsers, detalyadong nagkuwento si Luis.

“Kinagabihan, bago nung presscon—kung tama ang pagkakaalala ko—nag-fever siyang bigla. Nag-38.8 siya.

“Nagulat nga ako pagkatawag niya, may fever na siya.

“The very next day, gumising siya, sabi niya, 'Masama pakiramdam ko.'

"'Sige, rest ka lang diyan sa bahay.'

“After ten minutes, nag-message siya, ‘Pupunta ako sa hospital, hirap na akong huminga.’”

Sa St. Luke’s Quezon City raw nagpunta si Jennylyn.

Patuloy na kuwento ni Luis, “The night before—kung tama ang pagkakaalala ko, ha—kasi alam ko, tinawagan ako ni Tita June, asking me kung bakit hindi siya [Jennylyn] dumating sa presscon.

“The night before, nag-fever na siya. The next day, gumising siya, ang sama na ng sipon at ubo niya.

“Nasa Twitter pa niya yun na inilagay niya, ‘sick.’

“And after ten minutes, sinabi niya sa akin na mag-ospital siya, sa St. Luke’s QC dahil nandun yung EENT niya.”

Hindi raw na-confine si Jennylyn, ayon kay Luis.

“Nagpa-check-up lang siya.
“Ang nangyari sa kanya was... nung magkasama kami the day before siya nilagnat, nagka-allergy na siya. May running nose na, allergy, ganyan.

“The next day… kumbaga, allergy that was untreated kaya naging malalang ubo at sipon, kaya nagka-lagnat siya.”

Nung Miyerkules, September 26, raw nagkita uli sina Luis at Jennylyn at Luis. At maaaring nagkita rin sila kagabi pagkatapos ng presscon ng This Guy’s In Love With You Mare.

Patuloy pang lahad ni Luis, “Buong araw siyang nasa ospital kasi kung hindi ako nagkakamali, yung doctor niya, galing operation.”

May report naman na may nakakita raw kay Jennylyn na naglalakad sa Makati araw noong mismong araw na sinasabing nagpa-check-up ito.

Matamang nag-isip muna nang malalim si Luis at saka nagsalita.

Aniya, “Honestly, hindi ko maalala. Basta, sure ako na galing siyang ospital. Hindi ko lang maalala kung ano ang ginawa niya after.

“Pero sure ako na she had a fever the night before, sure ako na nag-ospital pa siya that afternoon.

“Kung hindi ako nagkakamali, nagsu-shooting rin ako that afternoon.

“Hindi ko lang maalala kung ano ang ginawa niya after.”


CLEARING JENNYLYN'S NAME. Paano tinatanggap ni Jennylyn ang mga ganitong isyu tungkol sa kanya?

Sabi ni Luis, “Wala. Si Jen naman kasi tinatawanan lang niya—especially yung walang ka-basis-basis.

“Kumbaga, natatawa siya na parang, ‘Ha?’ I’m sure you know Jen na rin. ‘Bakit may gano’n?’

“Kumbaga, mas nagtataka pa siya sa akin.”

Kampante raw si si Luis na hindi totoo ang balitang pagkaka-link ng girlfriend niya kay Paolo.

Tanong namin kay Luis: Paano na-build yung trust nila sa isa’t isa ni Jennylyn na parang walang makakatibag ng pagmamahalan nila?

“I guess, through time, getting to know each other, understanding the industry… may gano’n talaga.”

Hindi ba niya kakausapin si Paolo at alamin kung paano nagsimula ang tsismis sa kanila ni Jennylyn?

“Kung hindi ako nagkakamali, nagsalita na si Paolo. May nabasa ako na…”

Ang laman ng statement ni Paolo ay nahihiya ito kay Luis. (CLICK HERE to read related story.)

“Oo, para sa akin, enough na yun.

"Pero not even sa akin. It was more of para ma-clear yung pangalan ni Jen.

“Kami ni Paolo, lalaki kami. Kumbaga, mas madali pa yung usapan na gano’n na lalaki sa lalaki.

“Pero to clear someone’s name, yun ang parang mas nagawa ni Paolo, instead na mas nahiya sa akin.”

Ibig bang sabihin, humahanga rin siya sa ginawa ni Paolo?

“Oo. Pero alam ko, Paolo has a lot in his mind.

“May kailangan pa siyang ayusin sa… siyempre sa mga desisyon niya.

“Kumbaga, yun ang nararapat naman talagang gawin.

“So, yung paghanga naman... mahirap sabihin kasi mahirap humanga sa taong gumawa ng tama dahil yun naman talaga ang dapat niyang gawin.

“So, thank you, thank you for clearing her name.

“Kumbaga, I understand Paolo has some issues na kailangang ayusin sa kanilang dalawa ni Lian.”


LONG WAY TO GO. Base sa pagtatanggol ni Luis sa kanyang kasintahan, kapansin-pansin na seryoso na talaga ang kanilang relasyon.

Nabanggit nga ni Jennylyn sa isang pranayam ng PEP na magaling daw mag-alaga si Luis, pero kinontra ito ng TV host-actor.

“Hindi, kung magaling akong mag-alaga, mas magaling siyang mag-alaga.”

Ibig bang sabihin nito ay posibleng si Jennylyn na ang pakakasalan niya two to three years from now?

“Long way to go,” sagot agad ni Luis.

“Hindi… sabi ko naman, yung level namin, we’re in a very serious relationship.

“Kahit ako naman, ang dami ko pang kailangang gawin.

“I’m not saying na hindi ko naiisip. Long way to go.

“Kung marami pa akong dapat gawin bilang tao, bilang lalaki, bilang artista, bilang negosyante… talo lahat yun na kailangan niyang gawin bilang isang ina.”

Mas mauuna pa ba yung politics kaysa marriage?

“I honestly don’t know where life is gonna take me,” sagot ni Luis.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home