Saturday, September 29, 2012

LUIS, walang interes na kumprontahin si PAOLO! Tsikahan kay LIAN PAZ, ayaw ilantad ni LUIS!

by Rey Pumaloy

source


Wala nang interes si Luis Manzano na kausapin pa si Paolo Contis kaugnay sa pagkakasangkot ng girlfriend niyang si Jennylyn Mercado sa gulo nila ng asawang si Lian Paz. Nalaman na ni Luis ang pagtatanggol ni Paolo kay Jennylyn sa pakikipaghiwalay nito kay Lian at inilalabas na nga ng aktor si Jennylyn sa problema nila ni Lian.

Sabi nga ni Luis sa presscon ng movie nila nina Toni Gonzaga at Vice Ganda, ang This Guy’s In Love with You Mare, hindi na niya kaila­ngang harapin si Paolo dahil mas dapat nitong harapin at ayusin ang personal na isyu nito.

Pinatotohanan naman ni Luis ang lumabas na balitang kinausap niya si Lian, pero tumanggi siyang i-share ang laman ng conversation nila ng dating Eat Bulaga dancer. Ayaw na raw niyang dagdagan pa ang pinagdadaanan nito ngayon dulot nang paghihiwalay nila ni Paolo.

Kampanteng-kampante si Luis sa relasyon nila ni Jennylyn. Sabi pa niya, seryoso at matibay na ang pagmamahalan nila ng aktres. Pero kahit nababanggit na sa usapan nila ang tungkol sa kasal, malayo pa raw itong mangyari dahil marami pa silang gustong gawin sa kani-kanilang individual careers.

Pagkalabas ng item na ito, nagkita na marahil sina Luis at Jennylyn. Dadalawin daw kasi ng actor-TV host ang kasintahan pagkatapos ng nasabing presscon. Hanggang ngayon daw ay may sakit pa rin ang girlfriend.

Sipon, ubo at lagnat ang rason kung bakit hindi raw nakapunta si Jennylyn sa presscon ng Belo. Naunang tinamaan ng allergy si Jennylyn nu’ng magkita raw sila ni Luis. Kinabukasan, 38 na raw ang lagnat ni Jen na sinabayan pa ng matin­ding ubo.

Nasa ospital daw si Jennylyn nu’ng araw ng presscon. Bago pa raw nagpa-check up ang kasintahan, nag-text na ito na pupunta ng St. Luke’s Hospital kung saan nag-o-office ang EENT doctor nito.

Isa pang pruweba ni Luis sa kundisyon ni Jennylyn ay ang tweet nito na nagsabing “sick” siya. Hindi raw alam ni Luis ang tungkol sa presscon ni Jennylyn. Nalaman lang niya ito nang tawagan siya ng manager niyang si June Rufino at kumustahin siya. Doon niya sinabi sa manager na nasa ospital ang girlfriend at nagpapa-check up.

Tungkol naman sa isyung may nakakita raw kay Jennylyn sa Makati nu’ng araw ng check-up nito at presscon, inamin ni Luis na wala siyang alam tungkol dito. Sa pagkakaalam niya, buong araw na nasa ospital ang kasintahan. Hindi na raw niya alam kung ano ang ginawa nito pagkatapos.

Hindi itinanggi ni Luis na may mga maliit na tampuhan sila ni Jennylyn. ‘Yun ay dahil minsan ay naghahanap sila ng lambing sa isa’t isa.

Sa isang simpleng text lang raw naayos na ang kanilang tampuhan ng GMA 7 prime actress.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home