Tuesday, January 24, 2012

Luis teaches Jennylyn how to dive


Published : Tuesday, January 24, 2012 00:00 Article  Written by : Wally Peralta

HINDI itinatanggi ng sexy hot mama na si Jennylyn Mercado na malaking impluwensiya talaga ang dyo-wa niyang si Luis Manzano para gawin ang mga bagay na hindi niya dating magawa.

Isa na rito ang kinatatakutan niyang scuba diving.

Aminado ang magaling na young actress na never pa siyang nag-scuba diving dahil takot daw si Jen sa ilalim ng dagat.

Kahit noong time na kailangan gawin niya sa isang project, hindi natuloy dahil sa hindi kakayanin pa noon ito Jen.

Pero nitong nakaraang holiday season, binigla ni Luis si Jen sa kanilang date nu’ng nasa dagat na mismo sila nang sabihin ng hunk actor na mag-i-skuba diving sila.

Dahil sa laki ng tiwala ni Jen kay Luis at sa encouragement na ibinigay nito sa kanya, napilit si Jen sumama sa dyowa na sumisid sa ilalim ng dagat.

Ang ending, enjoy na enjoy si Jen sa ginawa nila ni Luis na pagsisid.

Iba raw pala ang feeling sa ilalim ng dagat at parang may sariling mundo raw sila ni Luis.

Bukod sa scuba diving, malaki rin ang naging impluwensiya ni Luis kay Jen pagdating sa hosting job.

Regular host si Jen sa Showbiz Central, at unti-unti nang nakikitaan ng galing sa pagho-host si Jen.

Ayon sa young actress, marami raw pointers na itinuro sa kanya si Luis pagdating sa pagho-host.

Itinuturo raw sa kanya ni Luis kung ano ang dapat gawin at hindi dapat gawin ng isang host.

Unti-unti na raw nae-enjoy ni Jen kung anuman ang kinahihiligan ni Luis at masaya siya sa mga pangyayaring ito.

Lalo raw kasi silang nagiging close ni Luis.