Saturday, March 10, 2012

Sat, Mar 10
8:40 PM
Front Row



Kuwento ng paghilom ni Jennylyn Mercado sa Front Row
Ngayong Sabado sa Anniversary Special Series ng Front Row: Ibabahagi ng aktres na si Jennylyn Mercado ang kuwento ng kanyang karanasan bilang biktima ng pagmamaltrato at kung paano siya nakabangon upang maging matatag sa kasalukuyan.

Friday, March 09, 2012

A year after going on air, the program Front Row in GMA News TV has earned a number of awards and recognitions. It got two nominations from the prestigious New York Festivals, was the lone finalist from the Philippines at the UNICEF Asia-Pacific Child Rights Award 2011, won the best Television Journalism Award at the 1st Migration Advocacy and Media Awards, POPDEV Awards and Anak TV.

This March, as part of its first year anniversary presentation, Front Row is presenting the stories, unique stories of people who will go through unique challenges that will mirror the issues confronting women.

On its first anniversary episode, Jennylyn Mercado, will share a part of her life, the time when she became the victim of child battering and show she was able to recover from that painful past. Jennylyn’s story is no different from that other young people in our midst. Some young people are still undergoing some form of maltreatment and battering.

In a rare instance, witness as Jennylyn reveals the sad part of her life and how she coped with it.

(The Freeman) Updated March 09, 2012

Jennylyn Mercado, nakuryente sa isang hotel!



Friday, March 9, 2012, 1:07Maiba Lang




NAKAUSAP NAMIN kahapon si Tita Becky Aguila, manager ni Jennylyn Mercado, kung saan kinumpirma nga nito na totoong nakuryente sa isang hotel sa Bangued, Abra ang aktres.

Ayon kay Tita Becky, inimbita si Jennylyn para sa show sa nasabing probinsya. Ang ‘di inasahan ng aktres at ng kasama niya ay malalagay sila sa isang hotel na kulang sa mahuhusay na pasilidad kabilang na ang telepono, elevator at heater.

Sabi ni Tita Becky, nasa bathtub at basa na si Jen nang magdesisyong itong mag-init ng tubig dahil sobrang lamig. Isang portable water heater ang ibinigay sa kanila ng hotel.

Maaaring nawala sa isip na may heater sa timba ng tubig, nalagay ni Jennylyn ang kamay niya rito at nakuryente. Nagsisisigaw ang aktres na tulungan siya dahil naramdaman nito ang kuryente na dumaloy sa katawan. Mabuti na lang at hinugot ng kasama ni Jennylyn sa saksakan ang portable water heater, pero nangamoy sunog ang buong katawan ng aktres, nagsusuka at nahihilo.

Nakauwi pa nga ng Manila si Jennylyn at sinubukan nitong mag-practice ng triathlon dahil may sasalihan itong kumpetisyon next week. Pero ‘di nito kayang tapusin ang training dahil nagsuka at nahilo ang aktres at pinayuhan ito ng trainer nito na huminto na dahil ‘di kaya ng resistensiya ng katawan nito ang mabigat na ensayo.

Nag-text din ang aktres na ayon sa cardiologist nito, sa loob ng 24 oras pagkatapos nangyari ang akisdente ay maaaring inatake sa puso si Jennylyn. Mabuti na lang at naligtasan nito ang nasabing aksidente.

Nakausap na rin ni Tita Becky ang mayor ng Bangued, kung saan apologetic naman ito sa nangyari. Ang nasabing hotel daw na tinuluyan nila Jen ang pinakamaganda nang hotel sa nasabing probinsya. Hinihingi na lang nina Tita Becky sa mayor na mapa-general check up ang aktres para masiguro ang kaligtasan nito, kung saan hanggang sa ngayon ay hinang-hina pa rin ang aktres.

Kinumpirma ng manager ni Jennylyn Mercado na si Becky Aguila na nakuryente nga ang aktres-singer-TV host sa isang portable water heater sa Abra last March 6.

Nagpunta ng Abra si Jen noong March 5 and 6 sa imbitasyon ng alkalde sa naturang lugar na si Geraldine Balbuena.

Unfortunately, ’yung tinuluyan niyang Oval Era Hotel ay walang modern facilities tulad ng water-heating system, elevator at telepono.

“Noong March 6,” kuwento ni Tita Becky, “pabalik na ng Manila si Jen, so, maaga siyang nagising para maligo. Humingi siya ng water heater sa hotel at binigyan siya ng portable water heater at isang timba.

“So, pinuno ng tubig ang timba at siyempre, sinaksakan ng water heater.

“Nagkataong basa na si Jen that time from head to foot kaya nang ilagay niya ang kamay sa timba na may naka-plug na water heater, nakuryente siya.

“From head to foot, nag-amoy sunog daw siya. Pagkatapos, nahilo na at parang masuka-suka na siya,” kuwento ni Tita Becky.

Mabuti na lang daw at nakasigaw agad si Jen at to the rescue naman ang kasamang PA na si Bing na natanggal agad ang switch.

Nang mabalitaan ito ng mayor at ng hotel owner, katakut-takot na dispensa naman daw ang hiningi kay Tita Becky at kay Jen.
“Alam ko naman, aksidente ang nangyari at walang may kagustuhan, pero just to be sure, sabi ko nga kay Mayor Geraldine, dapat pa ring ipa-executive check up si Jen dahil hindi natin alam kung may effect ba ito sa health niya especially may heart problem si Jen,” say ni Tita Becky.

The following day daw kasi, nagsusuka si Jen at nahihilo at last Wednesday daw naman, nagkaroon ng palpitation.

“According to Jen’s doctor, ’yung ganu’n daw kasing sitwasyon can lead to cardiac arrest. So, para makasigurado, gusto kong ipa-check-up nila si Jen dahil hindi naman biro ’yung nangyari. Puwede niya ’yun ikamatay kung hindi na-unplug agad ni Bing ang heater,” nag-aalalang sabi ng manager.

Thursday, March 08, 2012

Kuwento ng paghilom ni Jennylyn Mercado sa Front Row


March 8, 2012 11:23am

FRONT ROW's 1st Anniversary Special Series
This March on GMA News TV Channel 11

HILOM: Kuwento ni Jennylyn Mercado
Airing date: March 10, 2012

Isang taon mula nang unang sumahimpapawid ang programang Front Row ng GMA News TV, umani na ito ng ilang parangal at papuri --- dalawang nominasyon sa prestihiyosong New York Festivals, ang katangi-tanging Finalist mula sa Pilipinas sa UNICEF Asia-Pacific Child Rights Award 2011, nagkamit ng Television Journalism Award sa 1st Migration Advocacy and Media Awards, POPDEV Awards at Anak TV.

Ngayong Marso, sa pagtatanghal ng unang taon nitong anibersaryo, ihahatid ng Front Row ang natatanging kuwento ng buhay ng ilang personalidad na tatalakay sa mga pagsubok na kanilang pinagdaanan at sasalamin sa iba't ibang isyung kinakaharap ng mga kababaihan.

Sa unang bahagi ng serye, ibabahagi ng aktres na si Jennylyn Mercado ang kuwento ng nakaraan nang minsan siyang maging biktima ng pagmamaltrato at kung paano siya nakabangon upang maging matatag sa kasalukuyan. Hindi nalalayo ang kuwento ni Jennylyn sa ibang kabataan. Hanggang ngayon, patuloy na nagaganap ang mga kuwento ng pananakit at pagmamaltrato sa kanila.

Sa isang natatanging pagkakataon, sundan ang pagbabahagi ng mga aral ng nakaraan at karanasan at pagbibigay pag-asa sa kabila ng pait na kanilang pinagdaanan.

Huwag palampasin ang "Hilom" ngayong Sabado, ika-10 ng Marso, 8:40pm sa GMA News TV!

Parazzi Tabloid
by Francis Simeon

AYON SA aming reliable source, nasa planning stage pa lang daw ang plano ni Luis Manzano na pasukin din ang pagiging bus operator, bukod sa pagnenegosyo ng mga taxi.

If this business plan pushes through, maaaring maging business partners diumano ng TV host at aktor sina Willie Revillame at Manny V. Pangilinan, dagdag tsika ng aming source.

Marahil pinag-aaralan na ng Wil Time, Big Time host at ni MVP ang ganitong uri ng transport business.

Aba naman, ang lucky talaga nina Gov. Vilma Santos-Recto at Edu Manzano sa panganay nila dahil sa pagiging business minded nito, huh!

Ang sey pa nga ng aming source, gusto rin sana diumano ng boyfriend ni Jennylyn Mercado na magtayo ng pawnshop na may mababang interes in the near future para makatulong sa mga taong nagigipit.

Nang makakuwentuhan namin si Luis sa Sarah G Live, ipinakita nito sa amin ang picture ng isang unit ng kanyang taxi na nasa cellphone n’ya dahil pinakulayan daw nila ito ng kanyang mga kaibigan at business partners ng kulay “pink” para alam daw agad ng mga tao na ‘yon ang kanilang taxi at dahil na rin sa may kanya-kanyang kulay talaga ang mga kilalang taxi.

Speaking of Jennylyn, true kaya ang nasagap naming tsika na maka-Nora Aunor o Noranians daw ang buong pamilya nito, hindi Vilmanians, kabilang ang kanyang Mommy Lydia?

Alam kaya nina Luis at Ate Vi ito, at ano ang kanilang mase-sey, maging ng kani-kanilang mga fans, lalo na ang mga Vilmanians?

Jennylyn, electrocuted!


Published : Thursday, March 08, 2012 00:00 Article Views : 4
Written by : People's Tonight



NABASA namin sa Twitter kahapon ang aksidenteng pagkakakuryente ng aktres na si Jennylyn Mercado.

ayon sa tweet ng Jennylyn Mercado account, nasa Abra ang apple of the eye ni Luis Manzano at naliligo sa isang hotel nang mangyari ang insidenteng dulot ng portable water heater.

Awa naman ng Diyos, mabilis ding naibalita na safe si Jennylyn at nalagpasan ang “shocking” experience kahit pa nangamoy sunog, nahilo at nagsuka siya.

Jennylyn nakuryente ng water heater!


Ni SVA (Pilipino Star Ngayon) Updated March 08, 2012 12:00 AM Comments (0)

MANILA, Philippines - Nakakatakot ang nangyari kay Jennylyn Mercado kahapon. Nakur*yente siya ng water heater habang nasa Abra.

Ayon sa tweet ng mga fans niya, ligtas na si Jennylyn pero nangamoy sunog daw ang girlfriend ni Luis Manzano.

Hindi nabanggit sa tweet kung anong ginagawa nito sa Abra.

Obviously hindi sosyal ang tinulu*yan ni Jennylyn sa nasabing probinsiya ha.

Hindi nakaligtas ang boyfriend ni Katya Santos nang makuryente ito ng water heater sa Mindoro yata ‘yun several years ago kaya dapat na magpasa*lamat sa Diyos si Jennylyn.

Wednesday, March 07, 2012

Did Jennylyn Mercado suffer an electric shock?


By ROWENA JOY A. SANCHEZ
March 7, 2012, 4:28pm

The ‘StarStruck’ alumna went to Abra for a show
MANILA, Philippines – Following the recent vehicular accident of young actor Neil Coleta along Commonwealth Avenue in Quezon City, another celebrity, this time Jennylyn Mercado, is said to have gotten into an unpleasant situation while she was in Abra.

The Kapuso actress purportedly got an electric shock while taking a bath using a portable water heater in a hotel in the said province, where she went last March 5 for a show.

Though she did not suffer major injuries from the purported accident, she is said to have been experiencing dizziness and nausea and also gave off a burning stench, a PEP feed on March 7 said. The mayor of the town she went to also reportedly apologized to the “StarStruck” alumna over the incident.

Jennylyn has yet to comment on the matter. Based on her most recent tweets, however, it seems that the “Showbiz Central” co-host is in good shape.

On March 6, she tweeted a photo of an aerial view of Abra and wrote, “Bye abra.."

In the same afternoon after her flight back to Manila, Jennylyn embarked on a training at the Ultra Sports Complex in Pasig in preparation for her participation at the Ironman competition and Powerade Duathlon.

“Swim, bike, run like hell!!” she posted.

If the incident were true, Jennylyn is apparently lucky that she got out of harm’s way. Some eight years ago, Katya Santos’ boyfriend of two years, Tonton Alcaide, died of electrocution while taking a shower at a resort in Puerto Galera where he was having a vacation with some friends. Prior to his death, Tonton had escaped a gruesome car accident.



There is no doubt that polls are--at the end of the day--nothing but a popularity contest. And in our popularity contest featuring the country's sexiest women (from hot moms like Jennylyn Mercado and Ruffa Gutierrez to va-va-voom babes like Cristine Reyes and Angelica Panganiban), it is actress Kim Chiu who is leading. As of today, March 6, the chinita cutie has collected 62.99% of the votes. And not everyone is happy with this. Expectedly, fans of the other female celebs part of the list are complaining. In the comments section, there are statements like "I really wonder why Kim is here" and "Sexy na pala ang katawang kawayan ngayon." Thing is, apart from the fact that we all have our own definition of what is sexy, there is no denying how supportive and all-out some fans are--just like the fans of Kim Chiu. Also commendable are the fans of Erich Gonzales and Maja Salvador, who are voting for their idols, making them the next two celebs with the highest number of votes. Can't wait for the next few days to see the support that the fans will be showing their idols. Also can't wait to see who ends up on top when we close this poll!

Front Row presents Hilom



Mag-aapat na taong gulang ang Starstruck Ultimate Female Survivor na si Jennylyn Mercado nang makaranas ng pananakit mula sa kanyang amain. Paano siya bumangon mula sa pasubok?

Huwag palalampasin ang "HILOM" sa Front Row, 8:40 pm, Sabado sa GMA News TV channel 11.

GMA Network
42 minutes ago

Tuesday, March 06, 2012

Jennylyn napa-‘I love you Lucky’ sa harap ng ex-BF


Naaliw ako kay Jennylyn Mercado na biglang nag-“I love you Lucky” sa harap ng kanyang ex-boyfriend na si Mark Herras dahil sa panunukso sa kanila ni Polo Ravales.

Nag-guest sa Showbiz Central noong Linggo ang cast ng Hiram na Puso para i-promote ang kanilang show na nagsimula kahapon sa GMA 7.

Si Jennylyn ang nag-interbyu sa cast at nakatuwaan ni Polo na biruin siya tungkol sa past nila ni Mark. Hindi naman napikon si Jennylyn dahil past is past para sa kanya at para i-prove na naka-move forward na siya, mala-Vilma Santos na nag-dialogue si Jennylyn ng “I love you Lucky.”

Natuwa at natawa ako sa ginawa ni Jennylyn na malaki na ang improvement bilang TV host. I’m sure, kung nanonood si Luis Manzano ng mga oras na ’yon, siguradong kinilig siya sa linya na naging classic dahil sa kanyang mother dear at binuhay ni Jennylyn noong Linggo.

http://www.philstar.com/Article.aspx...bCategoryId=96