Thursday, June 07, 2012

from abante tonite by Jun Lalin

‘Katuwa si Annabelle Rama dahil pagkatapos ng airing noong Martes ng Makapiling Kang Muli ay kaagad niya akong tinawagan.

Sey ni Bisaya, natutuwa siya dahil ang ganda-ganda ni Jennylyn Mercado sa Makapiling Kang Muli.

May special participation sa MKM sina Jennylyn at James Blanco at ayon kay Bisaya, perfect ang dalawa sa characters na ginagampanan nila sa series na pinagbibidahan ni Richard Gutierrez.

“Ang fresh ng dating ni Jennylyn at ang galing nila ni James, kaya perfect ang pagkaka-casting sa kanila,” sey ni Bisaya.
Dahil sa mga papuri ni Bisaya kay Jennylyn ay hindi ako magtataka na sa next series ni Richard ay baka siya pa mismo ang magrekomenda na gawing leading lady ng anak ang isa sa hosts ng Showbiz Central.



c/o ehmina

Tuesday, June 05, 2012

Jennylyn Mercado does not mind doing daring scenes in The Bride & The Lover


Ruel J. Mendoza
Tuesday, June 05, 2012 @ 07:44PM


Jennylyn Mercado is a multi-talented performer gauging by her series of projects for television and movies. Soon, she will launch her new music album, appear in a movie, and to host a game show. And yet, she still has time for sports, take of care of son AJ, and go out with boyfriend Luis Manzano.
Photo By: Noel Orsal




Magkakasunud-sunod ngayong June ang taping sa TV at shooting sa pelikula ni Jennylyn Mercado.




Sabay magsisimula ang kanyang bagong drama series na Hindi Ka Na Mag-iisa, katambal si Sid Lucero, para sa GMA Afternoon Prime; at ang pelikula niya sa Regal Entertainment na The Bride & The Lover with Lovi Poe, Mikael Daez, and Paulo Avelino.



ADJUSTMENTS. Matagal na raw hindi nakagawa ng TV series si Jennylyn kaya mag-a-adjust siya ulit sa bagong taping schedule niya.



Aniya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Three times a week kasi yung taping ng series. E, matagal akong hindi gumawa, di ba? Last ko pa was yungFutbolilits.



“Pero may special guest role ako sa Makapiling Kang Muli as the young Rio Locsin. Sa pilot week lang naman ako lalabas.



“Then yung movie, mag-start na rin at the same time.

“Gusto kasi ni Direk Joel [Lamangan] na simulan na kasi may gagawin siyang TV show sa ibang channel.



“Yung last movie na ginawa ko was Rosario, pero before that ay yung Working Girls. Pareho ko siyang nagawa noong 2010 pa.



“Tagal ko na ring hindi nakatrabaho si Direk Joel. Yung last namin was Blue Moonpa noong 2006.

“My first movie was with Direk Joel din, So Happy Together in 2004.



“First time ko naman to work sa movie with Lovi Poe, Paulo Avelino, and Mikael Daez.

“Though nakakasama ko na sila ibang mga guestings sa TV."



Ayon kay Jennylyn, "very sexy" ang theme ng The Bride & The Lover.

“Okey lang naman para sa akin kasi nagpaka-daring naman na ako noon sa movie na Rosario.

“Malaki ang tiwala ko kay Direk Joel,” kampanteng sabi ni Jennylyn.



HOSTING CHALLENGE. Sa kabilang banda, gamay na gamay na ni Jennylyn ang pagiging isang TV host at malaki ang pasasalamat niya sa Showbiz Central para sa pagbibigay sa kanya ng break.



Nasubukan pa rin ang pagiging TV host niya sa ibang shows ng Kapuso network, 'tulad ng Protégé.

At sa bagong edition ng Protégé: The Battle For The Big Artista Break, kinuha ulit si Jennylyn para maging host.



Sabi ng actress-TV host, “Ako ulit ang mag-host ng Inside Protégé. Ako ang magbabalita sa mga mangyayari sa Protégé Headquarters.



“Na-enjoy ko ang pag-host no’n and masaya ako na ako ulit ang kinuha nila.



“Kung last year ay mga aspiring singers, this time, mga nangangarap maging artista… na 'tulad namin ang papasok sa Protégé Headquarters.



“Very comfortable na ako sa hosting talaga. Noon natatakot akong magsalita at baka mali-mali ang masabi ko.

“Ngayon, kampante na ako. Salamat sa Showbiz Central for giving this break.”



NEW MUSIC ALBUM. Balik-recording din si Jennylyn with a new CD album for Viva Records.

Six songs lang ang gagawin niya at sa June din niya iyon sisimulan.



“First love ko naman talaga ang singing. Kaya nagpapasalamat ako sa Party Pilipinas at pinapakanta nila ako every week.



“Kaya heto, may bagong album akong gagawin.

“Yung huling ginawa ko was two years ago pa yata titled Love Is... na under Viva Records din.



“This time, all-original songs ang ire-record ko at may isang song doon na iku-compose daw si Martin Nievera.

“Kaya excited ako to start with the recording kasi matagal ko na rin na hindi nagawa iyon.”



QUALITY TIME. Dahil sa magkakasunod na mga trabaho ni Jen, may time pa ba siya para sa kanyang anak na si Alex Jazz at sa boyfriend niyang si Luis Manzano?



“Laging may time tayo sa mga taong malapit sa puso natin,”
ngiti ni Jen.



“Si AJ, adjusted na siya sa sked ko. Pumapasok na kasi siya sa school kaya may mga iba na siyang interest ngayon. Unlike before na lagi kaming magkasama.

“Ngayon kasi, may mga friends na siya sa school at lagi naman niyang kasama ang mommy ko.



“Si Mats [pet name niya kay Luis] naman, happy siya sa sunud-sunod na blessings na dumarating sa akin.

“Binabalita ko kasi sa kanya at natutuwa siya.



“Siya pa ang nagsasabi na i-grab ko lahat ‘yan kasi baka hindi na ulit maulit ang mga ‘yan.

“He’s really very supportive sa mga nangyayari sa akin ngayon.”



SPORTS BUFF. Nahilig na rin sa active sports si Jennylyn 'tulad ng diving, cycling, at tumakbo para sa ilang sports events.

Magkakaroon pa kaya siya ng time para sa mga ito?



“Naging part na ‘yan ng routine ko for myself at hindi puwedeng mawawala lahat ‘yan.



“Makakahanap din tayo ng panahon for that.



"Passion ko na ang sports kaya kung mabigyan tayo ng free time for that, yun ang gagawin ko.

“Kaya dapat maayos talaga ang schedules ko…

“Para makita ko kung saan ko puwedeng maisingit ang mga oras ko for AJ, Luis, and for other activities," saad ni Jennylyn.

Lovi at Jennylyn, magsasalo sa katawan ni Paulo!

by Jun Nardo

Pagsasaluhan si Paulo Avelino nina Jennylyn Mercado at Lovi Poe sa gagawin nilang pelikula sa Regal Entertainment na The Bride & The Lover. Wala namang pangamba ang young actor kung pagpistahan ang katawan niya sa Joel Lamangan movie.

“Maliban sa pagkaseksi ng pelikula, inaabangan ko kasi ‘yung pagkasulat at mga linya, eh. Napaka… Really very funny and sarcastic. Talagang mag-e-enjoy ako. Bago sa akin ito dahil panga­lawang full length ko ito sa Regal na I’ll be ­playing a role… A leading role again.

“Something new for me like mga taong hindi ko pa nakakatrabaho like Direk Joel. First time niya akong madidirek, pati na si Jennylyn,” pahayag ni Paulo sa huli naming pag-uusap.

Blessed ang feeling ngayon ni Paulo dahil sa magagandang breaks sa kanyang acting career.

“I’ve have always wanted to play roles that I haven’t done in the past. Kaya natuwa ako sa co­ming months. Gusto kong i-challenge ang sarili ko, pahirapan. Para mas humusay lalo ako sa aspeto ng pag-arte,” katwiran ni Paulo.




Malaya Business Insight
Details Published on Tuesday, 05 June 2012 00:00 Written by MARIO E. BAUTISTA

JENNYLYN Mercado is in two new GMA-7 shows, the afternoon soap “Hindi Ka Na Mag-iisa” with Sid Lucero and as co-host of “Protege: The Big Artista Break.” She’s still co-host of “Showbiz Central” and also appears in “Party Pilipinas.” Now, she shoots a new sexy drama for Regal, “The Bride and the Lover,” directed by Joel Lamangan, with Lovi Poe, Paulo Avelino, Mikael Daez, plus Carla Mae Dureneaneau (girlfriend of Christian Bautista) and Hayden Kho, Jr. (ex of Dr. Belo) in their first film roles. Carla plays Lovi’s friend while Hayden is Lovi’s gay bodyguard.

“In the story, I’m the rich publisher of a glossy lifestyle magazine,” Jen says. “Best friends kami ni Lovi from high school. She also comes from a rich family involved in real estate. The title refers to both of us. At first, siya ‘yung bride and I’m the lover of Paulo Avelino. Then na-reverse ‘yun during the story. I become the bride at siya naman ‘yung lover. We’ll both have sexy love scenes with Paulo.”

The feedback when her boyfriend Luis Manzano guested in “Showbiz Central” is so positive, making the show rate so high. Did she ask permission from Luis before consenting to do love scenes with Paulo?

“There’s no need. Alam naman niyang part ng trabaho namin ito. And we trust each other.”

Monday, June 04, 2012



excerpt


SOBRANG HAPPY ngayon si Edu Manzano sa takbo ng showbiz career ni Luis Manzano. Pati ang pakikipag-relasyon nito kay Jennylyn Mercado ay going stronger na labis na ikinatutuwa ng ama. Nakikita kasi niyang masaya’t maligaya ang kanyang panganay na anak sa piling ng actress. Kung si Jennylyn na raw ang gustong pakasalan ni Luis, buong-puso itong tatanggapin ni Doods. Nasa tamang edad na raw ang TV host/actor para magkaroon ng sarili niyang pamilya. Kung si Edu ang tatanungin, mas gugustuhin niya mag-asawa na lang si Luis, kaysa pumasok pa ito sa pulitika

Read full article here

Jennylyn, feeling-bagets kay Paulo

by ALLAN DIONES


PAG-AAGAWAN nina Jennylyn Mercado at Lovi Poe si Paulo Avelino sa sexy drama film ng Regal Entertainment na The Bride and the Lover.

Handa na ba si Jennylyn na lumaban ng paseksihan kay Lovi?

“Ano ba? Hindi ako competitive! Sa sports lang ako competitive, pero sa mga ganyan, alam naman ng lahat na hindi ako ‘yung nakikipagkumpetensiya talaga,” natatawang bulalas ni Jen nang makausap namin siya sa storycon ng nasabing pelikula.

“Ganu’n ‘yung pelikula, may kompetisyon kami ni Lovi, pero depende na ‘yon sa pagpu-portray namin ng role.

“Kasi kami ni Lovi, dalawang beses na kaming nagkasama sa soap. Pero sa pelikula, first time. Naku, napakabait ni Lovi!” sabi pa ng Kapuso actress.

“Ay, oo naman!” ang mabilis na sagot ni Jen nang tanungin namin kung hot ba si Lovi sa tingin niya.

***

Kung sobrang naseseksihan si Jen kay Lovi, si Lovi ay sobrang bilib din sa pagiging hot momma ni Jen.

Pinuri ni Lovi ang kapayatan ni Jen, na mereseng mommy na ay ang ganda pa rin ng katawan.

“Uy, hindi naman ako payat. May laman naman ako! Ha! Ha! Ha!” tawa ng mommy ni Alex Jazz.

Dahil nag-aagawan nga sila sa iisang lalaki, aasahan ng fans na pati sa love scenes nila with Paulo ay magpapatalbugan sila ni Lovi.

Tiyak na ikukumpara ang love scenes nila ni Paulo at ang love scenes nina Paulo at Lovi.

“Ganu’n talaga. Hindi mawawala ‘yon. Lalo na sa showbiz, talagang iku-compare at iku-compare kami. Handa naman kami na harapin ‘yon.

“Pero hindi talaga ako makikipaglaban (kay Lovi). Tingnan mo naman ‘yan, o! Petite ta­laga ‘yan!” sabay turo ni Jennylyn kay Lovi na nasa hindi kalayuan.

Naku, baka magreak ang nobyo niyang si Luis Manzano kapag napanood nito ang maiinit nilang eksena ni Paulo sa movie?

“Ay, okey lang ‘yon. I’m sure, maiintindihan ni Luis ‘yon. Nandito rin siya sa industriya, so alam niya ‘yung takbo at ikot ng mundong ‘to.”

***

Naaliw kami sa dayalog ni Jen na feeling ba­gets siya ngayon na makakatambal niya si Paulo Avelino.

Kagaya niya ay produkto rin ng artista search ng GMA na Starstruck si Paulo.

Season 1 Ultimate Female Survivor si Jen, habang Season 4 Avenger si Paulo.

“Kasi, sila ‘yung batch 4, ako ‘yung batch 1. So, parang weird! Pero okey na rin! Ha! Ha! Ha!” tawa ni Jen.

“At saka ang ka-loveteam ni Paulo ngayon (sa Walang Hanggan ng ABS-CBN), si Julia Montes.

Napakabata, 16 o 17.

“Tapos ako, 25! So, feeling ko, ako si Julia Montes! Nakakabagets ‘yung feeling! Ha! Ha! Ha!”

In fairness, kahit season 1 winner si Jen ay hindi nagkakalayo ang edad nila ni Paulo. 25-anyos siya at 24-anyos si Pau.

Anong dating sa kanya ni Paulo? May appeal ba sa kanya ang Kapamil­ya hunk?

“Maganda na kasi ‘yung katawan niya nga­yon, ‘di ba? Naalagaan niya ‘yung sarili niya.

“And maganda ‘yung pag-build up sa kanya ng ABS. So, good job! Ha! Ha! Ha!”

***

Excited si Jennylyn sa The Bride and the Lover dahil first movie niya ito after a long while.

Working Girls pa ang huli niyang movie, kaya na-miss niya ang gumawa ng pelikula.

Si Direk Joel Lama­ngan ang direktor nito, na director ng halos lahat ng drama series ni Jen sa TV kaya happy siyang magkakatrabaho ulit sila sa pelikula ni Direk Joel.