Friday, August 03, 2012


PIK PAK BOOM Ni Sol Gorgonio (Pilipino Star Ngayon) Updated August 03, 2012


PAK: Nag-react si Jennylyn sa isa pang tsismis na pinagseselosan daw ito ng girlfriend ni Patrick Garcia kaya madalang na dumadalaw ang aktor sa kanilang anak na si Alex Jazz.

“Hindi ko pa naman po siya (Patrick) nakikita. Hindi pa po kami nagkakilala,” sabi ni Jen na ang huli ay girlfriend ni Patrick ang tinutukoy.

“Saka walang basehan para magselos kasi may boyfriend naman po ako. Saka kung meron mang isang nagba-bond sa amin ni Patrick, ay si Jazz ’yun. So, huwag siyang mag-alala kasi wala naman dapat talagang ipagselos.”





BOOM: Napabalita na rin ang panloloko na naman kay Jennylyn ng P300,000 ng isang kaibigan kaya hindi na siya matutuloy sa pagsali sa isanng triathlon event sa Cebu sa Linggo.


Best friend pa naman niya itong babaeng tumangay ng perang gagamitin sana pagbili ng plane tickets nila pa-Cebu pati hotel accommodation sa Shangri-La Mactan.

Kasama niya kasi ang buong pamilya at pati si Luis Manzano pero naunsyami na nga ito dahil sa panloloko ng kanyang best friend.

Ayaw banggitin ni Jennylyn kung sino ang kaibigan niya. Pero sabi ni Becky Aguila na manager ni Jennylyn, kung hindi tutuparin ng kaibigan ng aktres na ibalik ang pera ngayong araw na ito, mapipilitan silang sabihin kung sino siya at baka may legal action silang gagawin.

Ayaw na sana ni Jennylyn palakihin pa ang isyu dahil kaibigan naman niya ang involved. Pera lang daw iyon na kikitain pa rin naman niya. Ang masakit dito, sinira ng kaibigan ang buong pagtitiwala ni Jennylyn sa kanya.

Thursday, August 02, 2012

Jennylyn Mercado pulls out of Ironman competition in Cebu after mysterious loss of P300,000

Gorgy Rula
Wednesday, August 01, 2012 @ 08:02PM
source


Naabutan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jennylyn Mercado sa dressing room ng Studio 7 ng GMA Network Center kaninang hapon, August 1, na malungkot at parang balisa.

Kausap ng actress-TV host sa telepono noong oras na iyon ang manager niyang si Becky Aguila.

Katatapos lamang mag-shoot ni Jennylyn ng isang segment ng H.O.T. TV, ang bagong showbiz-magazine show ng Kapuso network, na magsisimula na sa Linggo, August 5.

Paglabas niya ng dressing room ay mukhang katatapos lamang niyang umiyak.

CANCELLED TRIP. Ikinuwento ni Jennylyn sa PEP na naloko raw siya ng best friend niya, kaya hindi na matutuloy ang pagsali niya sa Ironman 70.3 Philippine Triathlon Race sa Cebu sa darating na Linggo.

Ayaw nang banggitin ni Jennylyn ang pangalan ng babaeng best friend niya.

Pero masamang-masama raw ang loob ng Kapuso star na pinagkatiwalaan niya ang kaibigan na mag-ayos ng booking patungong Cebu—mula sa plane tickets pati sa hotel reservation sa Shangri-La Mactan.

“Naglabas ako ng malaking pera for Sunday. Buong family ko po dala-dala ko. Si Luis po, kasama rin.

“Siyempre, ang dami po namin.

“Medyo malaki po ang naibigay ko po dahil sa Shangri-La Hotel po kami mag-i-stay, e,” mangiyak-ngiyak niyang pahayag.

Umabot daw sa 300 thousand pesos ang nawala kay Jennylyn dahil sa nangyari.

Sabi pa niya, “Nabayaran na po lahat.

“Nalaman ko na lang kaninang umaga na… naka-receive po ako ng e-mail po mula dito sa best friend ko na nagkaroon nga daw po ng problema.

“Hindi ko pa rin po malaman kung ano talaga ang naging problema bakit hindi matutuloy.

“Naguguluhan pa rin po kami. Siguro soon, malalaman din natin.”

Matagal nang naikuwento ni Jennylyn ang pagsali niya sa malaking sports event na ito sa Cebu, kaya ipinaayos niya ito sa kanyang best friend na dati nang nag-aasikaso ng booking niya kapag may biyahe siya.

Iniiwasan na lang ni Jennylyn na ikuwento ang buong detalye ng panloloko diumano sa kanya dahil matalik na kaibigan niya ang may kagagawan.

Ang buong akala nga raw niya ay aalis na sila bukas, August 2. Nag-tape na nga siya ng segment niya para sa H.O.T. TV dahil wala siya sa live pilot episode nito.

Saad ni Jennylyn, “Actually, itong week na ‘to, talagang pinagkasya ko ang dalawang araw na taping sa isang araw.

“Nagdu-double talaga ako ng kayod para mapalitan ko yung araw na mawawala ako dito sa mga commitments ko.

“Ayoko namang umalis dito na maiiwan ko lang yung mga commitments ko nang wala na lang.

“Kaya kahit pagod na pagod ako, na may sakit ako, wala akong iniiwan na responsibility dito na nakabitin.

“Kahit papa’no, pag umalis ako, kampante ako na wala akong maiiwang trabaho, wala akong problema, wala akong iisipin.

“Kaya itong week po talaga, binuno ko talaga sa pagtatrabaho para po sa Ironman—na hindi ko po alam kung ano ang nangyari. Medyo naguguluhan pa po talaga ako.

“Hindi ko rin po in-expect na mangyayari, kasi all-set na rin po kami, e, for tomorrow,” himutok ng actress-TV host.

FRIENDSHIP. Hindi pa masabi ni Jennylyn kung ano ang susunod niyang hakbang kaugnay sa kanyang kaibigan.

Aalamin daw ni Jennylyn ang buong detalye bago siya magsalita dahil hindi pa niya nakakausap ang kanyang best friend.

“Okay lang yung pera, e. Pero yung friendship, yung trust na nandun, nakakalungkot na bigla na lang mawawala na ganun lang,” sabi nito.

Kahit masama ang loob, kaagad naman niyang natanggap na hindi na siya matutuloy at nawala na ang 300 thousand pesos na ipinagkatiwala sa kaibigan.

“Nangyari na naman ang hindi dapat mangyari.

“Ganun po talaga, matuto tayo sa bawat leksiyon na pinagdaanan natin.

“Bawat trials at lahat na problemang dumadating sa buhay natin, dun tayo matututo.

“Ngayon, alam ko na. Dapat pala talaga huwag tayo basta-bastang magtiwala,” saad ni Jennylyn.

Matatandaan na hindi ito ang unang pagkakataon na nagkaroon ng problema sa pera o nawalan si Jennylyn.

Noong 2008 ay inihabla ng Kapuso star ang kanyang dating personal assistant na si Rowena “Mel" Pulmano ng mga kasong qualified theft at falsification of documents.

Ito ay dahil diumano sa pagdidispalko ni Mel ng kanyang pera at pagpepeke ng kanyang pirma.

Nakulong ni Mel ng isang taon at isang buwan, ngunit nakalaya siya noong 2011, pagkatapos ma-dismiss ang mga kasong isinampa laban sa kanya ni Jennylyn.

LUIS MANZANO. Napangiti na lang si Jennylyn nang kinumusta namin sa kanya ang boyfriend niyang si Luis Manzano.

Nakalabas na raw ng hospital si Luis at magaling na sa sakit nito.

Nilinaw lang ni Jennylyn ang kumalat na balitang malubha raw ang sakit ni Luis kaya ito nagtagal ng ilang araw sa hospital.

Pahayag nito, “Gusto ko lang iklaro na hindi talaga malala ang sakit niya, kasi baka isipin ng mga tao, ano yun…

“Nagpa-confine lang siya talaga kasi, siyempre, lahat naman tayo concerned sa health natin. Gusto natin masigurado kung normal pa ba ang takbo ng katawan natin.

“Kung may narararamdaman tayong hindi maganda, gusto natin malaman agad kung ano ang problema.

“Yun lang, para sa peace of mind namin lahat.”

Pero nag-alala pa rin daw si Jennylyn dahil magkasunod na buwan na-confine si Luis.

Pina-CT scan din daw ang Kapamilya TV host-actor para matiyak lang kung ano talaga ang diperensiya, pero nalaman nga na viral infection ito at gastritis.

Tatlong gabi raw siyang nagbantay kay Luis sa hospital, at palitan sila ng schedule ng ina ni Luis na si Governor Vilma Santos.

“Hindi po kami nagkakasabay, kasi sa umaga po nagti-taping po ako, tapos sa gabi po ako nandun. Si Tita po sa umaga, ako po sa gabi.

“Ngayon po, healthy na siya,” nakangiting sabi ni Jennylyn tungkol kay Luis.

Wednesday, August 01, 2012

Details Published on Wednesday, 01 August 2012 00:00 Written by MARIO E. BAUTISTA



Some writers are provoking Jennylyn Mercado to speak against Patrick Garcia who has not visited their son Alex Jazz for some weeks now. But Jen adamantly refused to say anything. “I don’t want to be misinterpreted,” she says. “Baka busy lang siya talaga. But our son is looking for him.”

Someone said Patrick has a new non-showbiz girlfriend who gets jealous each time he visits his son or even communicates with Jen about the boy, but Jen won’t confirm this. “Hindi ko talaga alam. Wala kaming communication. Basta, wala kaming away. No problem.”

How about the rumor that she and Luis Manzano are already living in?

“Naku, bihira nga kami magkita. Naospital na naman siya due to acid reflux. Ako naman, busy with two daily shows, the soap ‘Hindi Ka Na Mag-iisa’ in the afternoon at ‘Inside Protégé’ sa gabi. May ‘Party Pilipinas’ pa ko and magi-start din this Sunday ang ‘HOT TV’ na kapalit ng ‘Showbiz Central.’ Tapos nagsu-shoot pa ko ng movie, ‘The Bride and the Lover,’ sa Regal. I have new endorsements pa, Bench and Belomed, so talagang punong-puno ang sked ko. At bakit ako makikipag-live in. I have my own house, he has his own house.”

In “Hindi Ka Na Mag-iisa,” she as Elisa now lives with her mom Glydel Mercado to take care of her mentally challenged half-sister, Crystal Reyes. In “Hot TV,” she’s happy to have new co-hosts Regine Velasquez and Roderick Paulate. “Pareho silang masayang kasama. Pero mami-miss ko rin sina Pia Guanio and John Lapus kasi ang tagal naming magkasama sa ‘Showbiz Central.’”


PIK PAK BOOM Ni Sol Gorgonio (Pilipino Star Ngayon) Updated August 01, 2012 12:00 AM



PIK: Consistent na mataas ang rating ng Inside Protégé na napapanood gabi-gabi mula Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng One True Love.

Nung nakaraang Biyernes ay nakakuha ito ng 9.1 percent sa NUTAM rating.

Kaya excited si Jennylyn Mercado na host ng segment at sana nga raw ay tuluy-tuloy na ito hanggang sa pagsisimula ng gala night sa darating na Linggo.

Bukas mapapanood ang final leg na regional audition at sa SM-Mall of Asia na ito na kung saan siRoderick Paulate ang mentor sa Metro Manila.

Dito sumali ang kapatid ni Maja Salvador at ang isang transgender na nag-confess nang mga taga-showbiz na nakarelasyon niya.


PAK: Isa si Jennylyn Mercado sa mga bagong endorser ng Bench Body at nagpa-pictorial ito ng naka-underwear.

Ayaw pang sabihin sa amin ni Ben Chan kung rarampa rin ba si Jennylyn ng naka-panty at bra lang sa Bench Universe fashion show sa Sept. 13 at 14.




Tuesday, July 31, 2012



Posted on July 30, 2012 09:35:46 PM

GMA to launch HOT TV

AFTER MORE than five years, showbiz-oriented talk show Showbiz Centralaired its final episode last Sunday as listed GMA Network Inc. has decided to replace it with a new program that aims to go beyond the usual entertainment gossip and celebrity rumors.


HOT TV HOSTS (L-R) Roderick Paulate, Regine Velasquez-Alcasid, Raymond Gutierrez and Jennylyn Mercado.

Taking over the vacated time slot starting Sunday is the new showbiz news magazine program called HOT TV (Hindi Ordinaryong Tsismis).

Former Showbiz Central hosts Raymond Gutierrez and Jennylyn Mercado will be joined by showbiz insiders Roderick Paulate and Regine Velasquez-Alcasid on HOT TV, which airs head-to-head against ABS-CBN Corp.’s formidable showbiz talk show The Buzz.

Under the direction of Rico Gutierrez, HOT TV will feature a diverse mix of discussions of the latest trends and issues, as well as segments highlighting extraordinary personalities, and human interest stories.

Ms. Velasquez-Alcasid -- who has been absent from the showbiz scene for more than a year since the birth of her son Nathaniel James -- expressed her excitement to be going back on TV to host the show.

“The program’s interesting line-up of stories will not only hook viewers but also allow them to connect with the show’s uplifting and thoughtful discussions,” Ms. Velasquez-Alcasid told reporters last week.

“HOT TV aims to offer informative and inspirational TV experiences to viewers. With the program’s wide range of topics, it is all set to become the newest destination of intriguing interviews, extraordinary stories about ordinary people, features on supernatural events, investigative reports, et.,” she added.

Mr. Gutierrez, who has hosted various reality and musical variety shows on GMA, is thankful that the network has entrusted another project to him to host.

“All the trending topics will be discussed in this new show... This show will really be a new challenge for me,” Mr. Gutierrez told reporters.
HOT TV will air Sundays at 4 p.m. on GMA. -- Jeffrey O. Valisno

Monday, July 30, 2012

Jennylyn Mercado's workload sends her to hospital

Ruben Marasigan
Monday, July 30, 2012 @ 03:50PM
source


Pagkatapos umere ng huling episode ng Showbiz Central kahapon, July 29, sandaling nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang isa sa hosts ng programa na si Jennylyn Mercado.

Kahit parang matamlay ay bahagyang nangiti ang Kapuso actress nang matanong tungkol sa napabalitang pagpapaka-daring niya sa pictorial para sa isang bagong endorsement for an underwear line.

Paano nga ba siya napapayag?

“Ginagawa ko na naman dati sa mga magazine, so bakit hindi ko gawin sa endorsement?” sagot ng dating FHM cover girl.

Paliwanag pa niya, “Kasi ‘yong mga clothing lines na endorsement ko, puro mga casual. So yung ngayon, para maiba lang.”

Out na rin ngayon ang bago niyang album na Forever By Your Side, na siya ring title ng awiting carrier single nito.

“It’s an all-original composition kaya yung mga songs, hindi pamilyar sa inyo. Pero lahat naman sa anim na kanta sa album na ito, okey,” sabi ni Jennylyn.

UNDER THE WEATHER. Masama pala ang pakiramdam ni Jennylyn noong hapon na iyon.

Pinilit lang daw niyang magmukhang okey habang naghu-host ng Showbiz Central.

Sabi ng Kapuso actress-TV host, “Papunta ako ng ospital. Ang taas ng lagnat ko.

“So medyo… sabi ko, parang hindi na yata kinakaya ng katawan ko ang load ng trabaho ko lately.

“Pero I hope sana okey, walang something ano…

“Kasi marami rin akong mga kagat ng lamok, e. So I hope walang ano…”

Ang ibig tukuyin ni Jennylyn ay ang sakit na dengue, na laganap ngayong tag-ulan.

Hectic ang working schedule ni Jennylyn lately.

Bukod sa Party Pilipinas at Showbiz Central—na mapapalitan na ng H.O.T. TV simula sa August 5, na isa pa rin siya sa hosts—nagsimula na ring umere ang Protégé, kunsaan siya ang journey host.

Patuloy pa ring umeere ang afternoon soap niyang Hindi Ka Na Mag-iisa.

May ginagawa rin siyang pelikula ngayon, ang The Bride And The Lover, para sa Regal Entertainment.

Gaano man siya ka-busy, pinipilit pa rin daw ni Jennylyn na mabalanse ang lahat at magkaroon pa rin ng oras para sa kanyang mga mahal sa buhay, lalo na sa anak na si Alex Jazz.

Aniya, “Every Sunday after ng trabaho, family day.

“Like ngayon nga sana, aalis kami. E, nilalagnat nga ako, so hindi na tuloy.”

LUIS MANZANO. Ang boyfriend ni Jennylyn na si Luis Manzano ay taas-baba ang lagnat, kaya na-confine sa ospital last week. Kumusta na ang kundisyon nito ngayon?

“He’s okay,” nakangiting sabi ng StarStruck alumna.

Nagbantay rin ba siya sa ospital gaya ng ina ni Luis na si Batangas Governor Vilma Santos, na lagi lang sa tabi ng actor-TV host?

“Oo,” maikling sagot ni Jennylyn.

Pagkatapos nito ay nagpaalam na si Jennylyn. “Kailangan ko na talagang tumakbo ng ospital,” sabi niya.

Pictorial na panty at bra lang ang suot, ikinaloka ni Jennylyn!

by Rey Pumaloy
source

snipped

Maliban sa short films at fashion show, ibinalita rin ni Chan ang pagsali ni Jennylyn Mercado bilang endorser nila. Si Jennylyn ang bagong dagdag na image model ng Body by Bench, isang undergarment line.

Inaasahang rarampa nang sexy si Jennylyn at makikipagtagisan ng pagandahan ng katawan kina Lovi Poe at Angelica Panganiban. Nauna na ngang nagpatikim ng kanyang alindog si Jennylyn sa pictorial niya para rito at siya man ay naloka sa daring shoots niya.

Sa tanong kung rarampa ba na naka-bikini o lingerie si Jennylyn sa fashion show nila…

“Itatanong muna natin kay Luis Manzano,” sagot ni Mr. Chan.


Jennylyn denies she and Luis are living in

Published : Monday, July 30, 2012
Written by : Mario Bautista
source

SOME writers are provoking Jennylyn Mercado to speak against Patrick Garcia who has not visited their son Alex Jazz for some weeks now. But Jen adamantly refused to say anything. “I don’t want to be misinterpreted,” she says. “Baka busy lang siya talaga. But our son is looking for him.”

Someone said Patrick has a new non-showbiz GF who gets jealous each time he visits his son or even communicates with Jen about the boy, but Jen won’t confirm this. “Hindi ko talaga alam. Wala akong balita kasi wala naman kaming communication, e. Basta, wala kaming away at okay naman ang anak namin kahit kaming dalawa lang. No problem.”

How about the rumor that she and Luis Manzano are already living in? “Naku, bihira nga kami magkita. Naospital na naman siya due to acid reflux. Ako naman, busy with two daily shows, the soap ‘Hindi Ka Na Mag-iisa’ in the afternoon at ‘Inside Protégé’ sa gabi. May ‘Party Pilipinas’ pa ko and magi-start din this Sunday ang ‘HOT TV’ na kapalit ng ‘Showbiz Central’. Tapos nagsu-shoot pa ko ng movie, ‘The Bride and the Lover’, sa Regal. I have new endorsements pa, Bench and Belomed, so talagang punumpuno ang sked ko. At bakit ako makikipag-live in? I have my own house, he has his own house.”

In “Hindi Ka Na Mag-iisa”, she as Elisa now lives with her mom Glydel Mercado to take care of her mentally challenged half sister, Crystal Reyes. On “Hot TV,” she’s happy to have new co-hosts Regine Velasquez and Roderick Paulate. “Pareho silang masayang kasama. Sa pictorial pa lang, tawanan na kami nang tawanan. Pero mami-miss ko rin sina Pia Guanio and John Lapus kasi ang tagal naming magkasama sa ‘Showbiz Central’.”